Sunday, June 28, 2020
Showbiz personalities sanib-puwersa sa pagtutol sa anti-terror bill
Sunday, June 21, 2020
Paano palakasin ang immune system
- Ang “immune system” ay ang depensang ating katawan laban sa sakit, impeksyon at virus tulad ng coronavirus. Ito din ay tumutulong sa mabilis na muling paggaling mula sa karamdaman. Umaatake ito sa mga virus, bacteria, fungi at ibang “pathogens” o mga organismong nagsasanhi ng sakit. Ang mga taong mababa ang immune system, kagaya ng sa mga may kaso ng malnutrisyon, ay mas madaling kapitan ng sakit at magkaroon ng mga komplikasyon. Isa sa mga sintomas ng pagkakaroon ng mahinang immune system ay ang madaling pagkakaroon ng impeksiyon gaya ng bronchitis, pneumonia at ang napapanahong covid-19.
- Pagkaing mayaman sa protina – Ang protina ay kailangan sa paggawa ng antibodies ng katawan na siya namang lumalaban sa mga pathogens. Kailangan din ito sa pag-repair ng mga cells at tissues na maaring nasira ng sakit. Piliin ang mga pagkaing may mataas na uri ng protina pero mababa sa “fats” gaya ng chicken breast (petto di pollo), turkey (tacchino), at egg white; mga seafoods gaya ng tuna (gaya ng yellow fin tuna o pinna gialla) at pugita/squid (polipo); mga karneng salume Italiano gaya ng Bresaola at Prosciutto crudo (tandaang mataas ang mga ito sa sodium at dapat kainin ng moderasyon ng mga taong umiiwas sa pagkain ng maalat kagaya ng mga may sakit sa puso).
Thursday, May 21, 2020
Kwento ni naruto
Disclaimer : Ang mga character na mababanggit sa storyang ito ay pagmamay-ari ni Masashi Kishimoto.
Timeline: (Manga version) after 2 1/2 years ng pag-alis ni Sasuke sa bayan ng Konoha.
Magandang araw! Sana ay magustuhan nyo ang storya kong ito. Malaya kayong makakapagpahayag ng inyong opinion. Maraming salamat po.
Isang Umaga sa maliit na tahanan...
"NARUTO!"
Bumalikwas si Naruto sa pagkakatulog nang marinig nya ang sigaw na ito. Tumingin sya sa paligid at hinanap ang taong gumising sa kanya.
"Huh?" habang kinukusot ang mga mata niya. "Ah... Ikaw pala matandang mahilig"
"Ilang beses ko ba sa iyo sasabihin na wag na wag mo akong tatawaging matadang mahilig." sabi ni Jiraiya. Nakatayo sa mula sa bintana ng kwarto ni Naruto.
"Hala! bumangon ka na dyan! baka mahuli ka pa sa unang exam." wika ni Jiraiya habang kinuyog nya si binata at nagtungo sa banyo upang maghilamos.
"Anong exam?" tanong ni Naruto nang nag-umpisa na syang magsipilyo. Naupo si Jiraiya sa isang upuan malapit sa kanyang kinatatayuan at inilabas nya ng isang supot mula sa kanyang bag at inilagay nya ito sa lamesa.
"Tsk Tsk tsk... Naruto, baka nakakalimutan mo na ngayon ang unang araw ng Chunnin Exam. Tanadaan mo na sa inyong batch ay tanging ikaw na lamang ang natitirang genin." wika ng matandang hermitanyo.
Nang narinig ito ni Naruto ay saka pa lang nya naalala iyon."ANNOOO!" sigaw ni Naruto at dalidaling tinapos ang pagsisipilyo at paghihilamos. "Bakit hindi mo kaagad sa akin pinaalala iyon!"
Mabilis na kumain si Naruto at nag-ayos ng mga gamit. "Wag kang mag-alala pinalista na ni Kakashi ang pangalan mo." wika ni Jiraiya habang pinagmamasdan si Naruto na abala sa pag-aayos ng gamit.
"Ganun ba... Buti naman..." sagot ni Naruto ngunit ilang saglit lang ay tumigil sya "Kung ako na lang ang genin mula sa batch namin... hmmm...pero dapat 3 sa isang grupo...lahat na sila ay chunnin na... hmmmmm...sino na ang kagrupo ko?" Tanong ng binata sa sarili.
"Malalaman mo yan mamaya. Hinihintay ka na niKakashi saAcademy" wika ni Jiraiya. "Heto ang almusal mo." iniabot ni Jiraiya ang supot kay Naruto.
"Salamat!" sagot ni Naruto at dalidali syang tumakbo papalabas.